Halos dalawang linggo na ang nakalipas, binili ko ang librong “Para Kay B” nang makuha ang aking atensyon ng tagline nitong o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin.
Nang sinimulan kong basahin ang libro, hindi ko na ito tinigilan. Kahit sa jeep papasok binabasa ko yun kaya naman natapos ko within 2 days (kasama ang disruptions dala ng acads, haha). Nag-expect ako sa librong ito, hindi naman niya ako binigo, pero hindi rin nito nalampasan ang expectations ko. Sakto lang kumbaga, walang labis walang kulang.
Matagal ko na dapat sinulat ang review na ito kaso na-postponed dahil sa case study. Kaya ngayong gabi, habang nakikinig ng isang radio program sa DZMM (oo, AM radio ang pinakikinggan ko…trip lang), saktong si G. Ricky Lee ang guest. Ang taong sumulat ng “Para kay B”! Ang saya ko at talagang nakinig ako ng husto. Kaya naman eto, nainspire na akong ituloy ang review na ito.
Ito ang ilan sa mga napuna ko sa libro:
- Maganda at nakakatuwa ang pagkakasulat. May lalim at mystery, talagang mapapaisip ka habang nagbabasa.
- Hindi lang basta isang kwento kundi limang iba’t-ibang mukha ng pag-ibig kung saan maaaring nabibilang tayo sa isa sa mga ito.
- Kakaiba at unique ang pagkakasulat. Akala ko parang Bob Ong style pero hindi pala, may something na hindi ko maexplain.
- Tama ang timpla ng mga kwento, may koneksyon, at makatotohanan.
- Nakakaaliw ang mga karakter, ang kani-kaniyang personalidad, at kwento ng buhay.
- Magaan basahin para sa isang ordinaryong tao, hindi pa-impress.
- Ang lenggwaheng ginamit ay epektibo para sa mambabasa, tama ang mix.
- Hindi basta love story…
Sina Irene, Sandra, Erica, Ester, at Bessie…sino sa kanila ang 1 out of 5 na hindi dinevastate ng pag-ibig?
Sino si Lucas sa kwento ng limang babaeng ito?
Ano ang conjure?
Ano ang tatlong “K” na inuugnay sa taong umiibig?
May quota ba talaga ang pag-ibig?
Kasama ka ba sa quotang ito?
Ano, nakaka-curious ba?! Well, I highly recommend this book. Thumbs up for Mr. Ricky Lee!!! After reading the book, I was inspired to write something like that. I really like the way he writes…I’ll look forward for another bestseller from Mr. Ricky Lee.

nacurious ako! pahiram! XD
haha, sige sige. pag nabalik ng classmate ko, hiniram din kasi niya e.
Hei nakaka curious naman yung book..
binabsaa ko sya last sunday sa powerbooks kaso hinde pa natapos.. kasi nakit ko yung isa nyang collection… si TATANG AT ANG MGA HIMALA NG PANAHON..
PAHIRAM.
haha. i love this book !! katatapos ko lan basahin at naloka ako. ksali ata ako dun sa quota
haha. ^^
salamat sa pagbabasa ng rebyung ito! i also love this book…i wanna read it again and again, haha
i love this book..
hmm, “sa limang umiibig.. isa ang magtatagumpay”
etu b ang qota?!
hehe..
saming mgbbrkda, cnu kya..
haha!!
~.^
we never know, hehe. siguro we have to break the quota, hahaha.
haha.
totoo ! mgnda tlgang tong book nohh.
kakacurious tlga, kea eto ginwan ko ng book review ee.(project)
haha.
kya un!
basahin nio na.
di kyu magsisisi :]
^.^
…sO niCe…!
kata2pos ko lng basahin yung book, the revelations at near end of the story is very exciting.
naloka ko dun sa kwento ni erica…how could a girl came from a place that hate love?
sa lahat ng story..sa lahat ng characters…lahat cla nagrerepresent ng isang tao.
minsan ako si rene, Sandra, Erica, Ester, at Bessie..but in the end naging c lucas. natauhan at nag bago ng pananaw ng dahil sa pag-ibig.
sometimes loving too much is not worth it, not only to the one u love but also with you.
weeeeeeeeeeeee…. ^_^ Nabasa ko na po ito ^_^ Natapos ko po siya in just a day! ^_^ Can’t stop reading! ^_^
haha. bilhin mo na lang, it’s worth every penny naman. what’s that “Tatang at ang mga Himala ng Panahon”?